Animated Tumblr Themes

| Ethel Asio | 18 | Batangas | IT | AMA |

Mas maganda pa nga talaga kung magyayakag ay biglaan yung mapapasubo kana lang ng wala sa oras, HAHAHAHA at yun ang nangyare kanina. hmm tapos na ang aming 2subjects ng magyakag ang mga kaklase ko na si Paulo at Joy! “Tara sa TAAL wag na tayong umattend sa last subject. Minsan lang naman tayo nakaka absent e” Edi na shock kame! Hanggang sa… “OOnga tara na hanggat maaga pa” sabe ng mga lokoloko. Edi napa OO nalang din ako. Hahahaha! Laughtrip din kanina kase kagulo sa pag dedesisyon kung bus or jeep ang sasakyan! Ganun din naman pamasahe!  Bale anim kame apat kaming babae, isang tboom at lalake. At yun sa jeep ang pinagtapusan XD Masaya sa jeep tawa lang ng tawa lalo pa’t andun si joy at jhoy, anu daw? oo magkapangalan sila at parehas sabog sa pagpapatawa!  Hoooraaayyy! Andun na kame sa taal! Naglalakad kame papasok sa simbahan ng lapitan ako ng isang lola, sa tingin ko nagtitinda sya ng kandila at bulaklak, parang seryoso sya at sinabi nya saken na “Ineng..ineng” edi lumapit ako sa kanya. “Bakit po lola?” sabi ko. “Napansin ko may kasama kang kaluluwa, magiingat ka palage ineng” sabi ng lola. “Kaluluwa po? Multo? ganun? Omygod!!!” sabi ko. “Magdasal ka sa loob” sabi nya. Meron syang sinabi na dasal pero hindi ko masyadong alam yun. Grabe! Kinabahan ako sa sinabi nya! Kase nung HS ako nakakakita ako ng multo at dito pa sa kwarto ko! Nagdasal nga ako ng seryoso at halata naman sa mukha ko na paiyak nako! Ok move on muna sa kaluluwa nayan. Hoho. Mayamaya naglibot na kame sa simbahan. Woah kahit ilang beses na ako naka punta at naka simba dito namamangha parin ako sa laki at ganda ng simbahan! Mangangalay talaga sa kakatingala sa mga larawan o sa disenyo. Pupunta na sana kame sa tuktok ng simbahan pero pinigilan kame ng nag aassist dun sabi nya, maya daw 1pm kase naglilinis pa daw. Edi nagpunta muna kame sa 7-11 at naglunch|meryenda! Ang binili lang namin ay Gulp at may dala na si joy na Red Velvet Crinkles! Ang tamis at masarap! Naka apat ako hahaha. Nagpicturan din kame sa T A A L letters dun sa labas. Hehe! Buti nalang at nung mga oras nayun e hindi pa naulan at talaga nga naman na nag enjoy kame. Yun nga lang pawis na pawis at hingal dahil sa kakalakad! Yey! Pwede na daw pumunta dun! Hihi. Nagbayad kame ng 25pesos para sa entrance para makapasok at makapunta dun sa tuktok o sa taas ng simbahan! Wow na wow talaga ang mga kagamitan dun nilibot namin yung second floor dun at sa taas ng 2ndflr makikita ang napakalawak na fishpond! Ang lalaki ng isda. Para kaming mangyan na “wow ng wow dun” HAHAHAHA!!! Okay sunod naman naming pinuntahan yung tuktok! Nahuli ako sa pag taas kase picture ako ng picture sa mga nakikita ko! Nagulat ako kase ang dilim pala ng daan papunta dun sa taas. Kung makikita nyo ako in person e para akong batang irit ng irit sa sobrang kaba at takot! Waaaaaaah ang diliiiiim, Bakit nyo ako iniwan, waaaahhhhhh sunduin nyo ako dito!! Paulit ulit lang yan at naiisip ko yung sa The Conjuring yung matandang babae na naglalakad din sa hagdan na madilim! Hohoho irit ako ng irit! Tapos ang kitid pa ng daan! Grabe talaga tapos naisip ko din yung sinabi ng lola kanina! Sobrang takot na takot akoooooooo!!! Pag taas ko, sinalubong ako ng tawanan! Hahahaha. Naiyak talaga ako! Parang katapusan na ng buhay ko! lol. Naibsan naman ang kaba ko kase ang ganda ng view sobrang ganda talaga kitang kita ang malawak at magandang tanawin dun sa taal!!! Malakas ang hangin at malamig din, natuyo na nga ang pawis ko! Hahahaha! May malaking kampana din dun sobrang laki at meron ding mas maliit!  After 30mins bumaba na kame at hindi nako nagpahuli dun ako sa gitna nila sumabay! Para talaga akong bata kanina tapos tinatawanan ako. Ang sunod naming pinuntahan ay simbahan ng lourdes? Kung hindi ako nagkakamali! Oo yun nga. Maganda din yung simbahan nayun napaka tahimik at may halikan na berhen dun, ipahid lang daw yung panyo dun tapos ihaplos mo sa iyo hindi ko lang alam kung bakit hindi kona naitanong kase sobrang lakas ng ulan at hindi nako pumunta dun sa halikan na berhen. hmm maya maya may lumapit saaken na bata nagtitinda sya ng kandila sabi nya saken “Ate gusto nyong makapunta o makita yung wishing well dito?” Nag OO naman kame! Hindi pa ako nakakakita ng wishing well sa buong buhay ko at ngayon palang! Hehe.  Sabi ng bata mag wish daw dun at pag natupad daw e bumalik at mag alay ng bulaklak. Kahit anong bulaklak at magtirik din ng kandila! Grabe pag natupad yung wish ko nayun babalik talaga ako dun! Lord make my wish come true po!  Promise koyan! Babalik talaga ako!!!  Dalwa yung wishing well yung isa daw 5ft at 6ft! Parehas akong nag wish! At bawal din daw yung hulugan ng coins dahil iniinom din daw yun ng ilan! Mayamaya inabot na kame ng malakas na malakas na ulan! Meron dung kubo kaya dun muna kame nagpalipas. Habang nakaupo kame nag kkwento saamin yung bata! Napakagaling nyang magsalita para talagang matagal na sya dun. Alam nya at nakita ang mga natupad na ang wish napakarami ding bulaklak dun. Sana talaga matupad ang wish namin!  Grabe basang basa kame ng ulaaaaan kahit may payong kaming dala! Huli naman naming pinuntahan ay ang bahay ni paulo! Nagmeryenda kame dun ng pizza at royal! Hmmm ang sarap! Haha maya maya sumungkit sya ng rambutan! Ang tamis tamis ng rambutan dun! Parang gusto ko na dun tumambay sa puno pero hindi pwede kase basa at naulan! Hahahahaha! Nanuod din kame ng movie dun “Heaven is for real” Tungkol naman yun sa bata na muntikan ng mamatay pero nabuhay padin kase binigyan sya ni God ng secondlife  at nakikita nya ang mga anghel at pati nadin si jesus! Buong araw na to tungkol kay Lord Jesus ang aming pinuntahan at pinanuod! I love you God && Thankyou for this wonderful dayyy  The best ka